Pinakbet®

Friday, September 09, 2005

Nominated for Eviction

Nagkaroon na ng nomination ang Pinoy Big Brother last Saturday. Isa sa mga nakasama si Franzen na sabi nga nila ay siyang mas higit na nangangailangan sa grupo. Sa totoo lang, naawa kami sa kanyang asawa nang makiusap ito sa publiko na sana naman daw ay iboto ng texters ang kanyang mister para hindi ito maalis sa Bahay ni Kuya. Nominated din for eviction si Racquel na dating teacher sa Batangas. Siya ay nakakuha ng highest votes mula sa housemates with 11 points. Iisa ang rason nila kung bakit gusto nila itong mawala sa PBB house – masyado raw pakialamera, malakas ang dating at dominante. Si Rico naman ay automatically nominated ni Big Brother dahil sa kanyang pasaway attitude na muntik pang ikasunog ng bahay noong nakaraang lingo. May isang linggo pa para madesisyunan kung sino sa tatlo ang mai-evict. At ang viewers ang magdi-decide sa pamamagitan ng pagte-text ng kanilang boto. Kung sino ang makakakuha ng lowest votes sa tatlo, `yun ang matatanggal.
Pero sa totoo lang, kung kami ang magno-nominate, si Bob ang no. 1 sa aming list dahil napaplastikan kami s kanya. Siya `yung frustrated politician.// source: PBB Forum

0 Comments:

Post a Comment

<< Home